Kakabasa ko lang ng "Dekada '70" ni Lualhati Bautista, at taliwas sa inaasahan ko, mabilis ko syang natapos! (ako na sadyang may pagkatanga pag malalim na salita na ang ginamit). Naiyak pa nga ko sa ibang tagpo. Basta, galing. Madaling basahin, tsaka maganda ang kwento.
***
Panata ko na ngayon na magbasa ng maraming babasahing Filipino. Medyo sawa na rin akong maging makabayan kuno, pero sa "imported" na wika naman. Naaalala ko lang yung isang kwento ni Eli Ang Barroso ("Our Lady of Arts and Letters," na isinulat niya sa Inggles, take note), na sinasabing di talaga tayo maaaring maging tunay na bihasa sa Inggles. Pagkasabi nya: "E.M. Forster we are not." (At sumasang-ayon ako rito, dahil magaling talaga si E.M. Forster. Pero patay na ata sya).
Ang tanging magagawa raw natin sa wikang di atin ay "lean, unlovely prose, like Hemingway's" o puro "lush imagery" at "flowery language" na lang. Maysala ako sa parehong bintang, depende na lang sa mood ko. Sabi nga ni Rizal, di ba, na "ang di marunong gumamit ng sariling wika ay higit na mabaho sa bilasang isda"? Baka nagpaparinig rin sya sa sarili nya nung sinabi nya yun, siyang may-akda ng Noli, Fili, at Ultimo Adios, kapwa Kastila lahat ang pagkasulat. (hehe. bakit ba ko banggit nang banggit ng mga taong patay na?)
Basta, basta, basta! magiging magaling rin ako magtagalog (ewww...parang linya ng foreign-germ yun a! eww...)
***
Kailangan ko na nga palang magempake ng mga gagamitin ko sa Bohol.

Comments
Sa tagalog. hindi Bohol.
enjoy. =)
...pero baka naman kaya hirap tayo sa paggamit ng Filipino (sa haka-haka ng ibang tao ito) dahil artipisyal lang ang pagkakabuo nito bilang ating "nasyonal" na wika. Ibig kong sabihin, ang wikang Filipino ay sa totoo lang Tagalog lang rin (nangingibabaw ito), kaya hindi siya talagang nangagatawan sa lahat ng tao ng ating bansa. (Panpil 17...^^;)
Ngunit kung iisipin mo nga naman, ano nga ba talaga ang isang "Filipino"? Sino ba talaga tayo? Paano mo maipag-iisa ang mga iba-iba nating tradisyon, kultura, at pag-uugali? Dito papasok naman ang usapan ng rehiyonalismo sa Pilipinas...
...at nawalan na ng punto ang mga sinasabi ko. ^^; Paumanhin dahil ang labo ko...^^;;;
Ang sasabihin ko lang talaga dapat dito, kung gusto mo ng mga libro/maikling kuwento na Tagalog, mairerekomenda ko ang mga sinulat ni Prof. Eugene Evasco (paulit-ulit na ito, ehehe. ^^;). Sa mga naisulat niya pinakagusto ko ang "Misteryo", pero maikling kuwentong pambata yon.
Bohol: Ingat sa biyahe, at sana mag-enjoy (naubusan na ng Tagalog, ehehe) kayo. ^____^
(Proof: http://d34rth.multiply.com/photos/a
ei, can't wait to hear from your next [award-winning] work. ;P
gah. sana nga manalo. ciao!
Btw, do you know him (her?).
Siguradong ginoogle mo na siya, at nakita mong andami na niyang Palanca awards. Ang pinakauna kong nakitang panalo niya ay noong 1969 (sa Filipino division, okey di ba?), kaya siguradong mas matanda na siya sa kwarenta anyos. Kung sabihin nating bente anyos siya noon, e di sisenta anyos na siya ngayon. Kung nabubuhay pa siya, malamang tumatanggap siya ng pensyon (may kilala ka ba sa SSS o GSIS? Hehe. Sobrang stalker na ata non.)
Baka rin pen name lang ang Eli Ang Barroso. Kung gayon, mas mahirap pa ang paghahanap mo. Maaari mong itanong sa mga blog ng sikat na writer (huwag sa kin =)) at mas malaki ang tsansang kilala nila ito.
Hehe, pasensya na at wala akong naitulong sa paghahanap.