Home

Advertisement

biglang nagtagalog? tinamaan ng kidlat?

  • May. 8th, 2006 at 12:41 PM

Kakabasa ko lang ng "Dekada '70" ni Lualhati Bautista, at taliwas sa inaasahan ko, mabilis ko syang natapos! (ako na sadyang may pagkatanga pag malalim na salita na ang ginamit). Naiyak pa nga ko sa ibang tagpo. Basta, galing. Madaling basahin, tsaka maganda ang kwento.

***

Panata ko na ngayon na magbasa ng maraming babasahing Filipino. Medyo sawa na rin akong maging makabayan kuno, pero sa "imported" na wika naman. Naaalala ko lang yung isang kwento ni Eli Ang Barroso ("Our Lady of Arts and Letters," na isinulat niya sa Inggles, take note), na sinasabing di talaga tayo maaaring maging tunay na bihasa sa Inggles. Pagkasabi nya: "E.M. Forster we are not." (At sumasang-ayon ako rito, dahil magaling talaga si E.M. Forster. Pero patay na ata sya).

Ang tanging magagawa raw natin sa wikang di atin ay "lean, unlovely prose, like Hemingway's" o puro "lush imagery" at "flowery language" na lang. Maysala ako sa parehong bintang, depende na lang sa mood ko. Sabi nga ni Rizal, di ba, na "ang di marunong gumamit ng sariling wika ay higit na mabaho sa bilasang isda"? Baka nagpaparinig rin sya sa sarili nya nung sinabi nya yun, siyang may-akda ng Noli, Fili, at Ultimo Adios, kapwa Kastila lahat ang pagkasulat. (hehe. bakit ba ko banggit nang banggit ng mga taong patay na?)

Basta, basta, basta! magiging magaling rin ako magtagalog (ewww...parang linya ng foreign-germ yun a! eww...)

***

Kailangan ko na nga palang magempake ng mga gagamitin ko sa Bohol.


Comment Form

From:
Help
Identity URL: 
Username:
Password:
Don't have an account? Create one now.
Subject:
No HTML allowed in subject
   Help
Message:
 

Latest Month

December 2008
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031   
Powered by LiveJournal.com
Designed by Jamison Wieser